Tuesday, February 8, 2011

Sino ba si Juan Dela Cruz?

Lagi nating naririnig ang pangalang Juan Dela Cruz sa T.V. at pahayagan. E-VAT hike para kay Juan Dela Cruz. juan mapeperwisyo sa pagtaas ng gas. Lagi na lang may kinalaman si Juan sa lahat ng mga pagtaas ng presyo. Pagtaas ng presyo ng bigas. Pagtaas ng presyo ng gasolina. Pagtaas ng toll sa SLEX. Pagtaas ng E-VAT. Pagtaas ng kamay kapag nahuhuli sabay ng pagkanta ng "Lupang Hinirang" kapag nahuli sa kalsada.
Si Juan rin ang laging nangangamba kapag may holdapan, barilan, carnapan, bombahan pati hulihan. Para tuloy nagiging matatakutin si Juan. Laging nangangamba. Laging takot. Laging biktima ng holdapan nakawan pati na ata rape.
Si Juan rin yung laging may pangarap na laging focus ng propaganda at kampanya ng mga kandidato. Si Juan na lang lagi. Lagi naman siyang walang malay. Lagi siyang nasa gitna ng lahat ng kontrobersya. Lahat ng nakawan sa kalye pati na sa gobyerno.

SINO BA SI JUAN DELA CRUZ?
Ang pangalang Juan Dela Cruz ay ginagamit para katawanin ang mga Pilipino. Mula sa pangulo hanggang sa mga taong hindi makakain ng tatlong beses sa isang araw na nakatira sa harap ng palasyo. Lahat sila, iisa lang ang tawag, Juan Dela Cruz.
Juan ay pinaigsing Juan Dela Cruz. Marami na ring naging tawag kay Juan. Juan Tamad. Juan Crisostomo Ibarra sa El Filibusterismo ni Jose Rizal. Naging kapartner dati ni Pedro sa mga jokes. Naging bida sa mga kampanya. Naging model sa mga poster para sa pagtatayo ng mga murang pabahay. Naging model rin sa mga posters para sapaglilinis ng Ilog Pasig. Nalagay sa title ng mga programang politikal.
Pano ba nagsimula ang paggamit ng Juan Dela Cruz? Si Robert McCulloch Dick, isang banyagang (foreign) mamahayag(journalist) ang unang gumamit ng Juan Dela Cruz. Ayon kay pareng Robert, yun daw ang pangalang pinakamadalas lumitaw sa mga presinto. Pinakamaraming blotter. Kaya pala ganito yung sitwasyon dito sa Pilipinas. Kung pinangalanang Jose Rizal ang mga Pilipino. Baka magkaroon ako ng cool na hair style (cool siya para sa'kin(sa totoo lang)). Isang banyaga ang nagpangalan ng ibabansag sa mga Pilipino tapos pinakamaraming kaso pa.

Si Juan Dela Cruz na may suot na salakot at barong tagalog(gaya ng nasa picture sa taas)
Di ko ba malaman kung bakit ganun yung nangyari. Kung sabagay, barong tagalog ang pambansang kasuotan ng Pilipinas. Tsaka ang salakot ang kadalasang sinusuot ng mga magsasaka. Pagsasaka ang pangunahing trabaho nung araw. Tapos dati tsinelas lang, ngayon naka-rubber shoes na. Sumasabay sa uso.

Konklusyon
Biktima ng hatawan ng bote. biktima ng bungguan ng dalawang humaharurot na sasakyan. biktima ng pagnanakaw sa tabing kalsada. biktima ng pagnanakaw sa "kaban ng bayan"(karaniwang ginagamit ng mga nagra-rally). biktima ng baha, lindol, sunog. Kahit na biktima na ng lahat ng kamalasan sa buhay kung meron nga nun, masaya pa rin si Juan. Kahit na tumaas ang presyo ng bubble gum at candy, masaya pa rin si Juan. Yan naman ang gusto ko sa kanya laging masaya kahit anong mangyari. Kahit na lubog sa baha, kumakaway pa rin sa camera. Kahit nasunugan nagpapacute pa rin kapag nasa harap ng camera. Kahit na anong kalunusan ang mangyari nakangiti pa rin.

Kaya kung gusto mong maging katulad ni Juan Dela Cruz na sikat sa dyaro at TV, kumaway kapag ini-interview kahit malungkot ang balita. Palitan ng rubber shoes ang mga tsinelas. Mag-ingat sa magnanakaw sa kanto. Mag-ingat sa rape( Lalaki ba si Juan? Anong sa tingin niyo?). At ngumiti katulad na lang ng picture ni Juan sa kaliwang bahagi ng itaas ng blog na ito.

Bugtong bugtong. Hindi tao, hindi hayop, hindi pagkain, hindi bagay.
Pass na kayo?
Kung pass na.
Ang Sagot ay:
Barong at Rubber Shoes
Hindi kaya bagay pagsamahin yung dalawa
HAHAHAHA!!!